Magsyota tinodas ng ex ng babae

MANILA, Philippines - Dahilan sa hindi ma­tang­­gap na kabiguan sa pag-ibig, pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang lalaki ang dati niyang nobya at ang bago nitong nobyo habang nagla­lambi­ngan ang mga bik­tima sa labas ng isang boarding house sa Ba­rangay Tan­dang Sora, Butuan City, Agu­san del Norte kamaka­lawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa pa­gamutan ang binatang si Michael Layno, resi­dente ng Barangay San Vicente habang tumagal pa ng ilang oras ang kasin­tahan nitong si Tichie Amo­res, 24-anyos, na taga-Ba­rangay Bitan-agan sa lung­sod din ng Butuan bago binawian ng buhay.

Nadakip naman ang suspek na si Rodolfo Tam­basin, 51-anyos, may asa­wa, ng Emenville Subdivision, Barangay Ambago.

Nabatid na unang naki­pagkalas si Amores kay Tambasin dahil meron na itong pananagutan sa bu­hay pero hindi ito matang­gap ng suspek kaya naisi­pan nitong maghiganti. (Joy Cantos)

Show comments