Biyuda sinilaban ang sarili

RIZAL, Philippines – Pinaniniwalaang may matinding problema sa pamilya kaya nagawang silaban ng isang 58-anyos na negosyanteng biyuda ang sarili sa loob ng kotse ka­hapon ng umaga sa bayan ng Rodriguez, Rizal. Halos hin­di na makilala ang biktima na si Antonia Golez ng Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal. Sa inisyal na im­bes­tigasyon ng pulisya, lulan ng Nissan Altima (TMD 729) ang biktima kasama ng kaniyang anak-anakan na si Princess Golez, 18. Sa hindi nabatid na dahilan ay pi­­na­­liguan ng gasolina ng biktima ang kanyang katawan bago siniliban kung saan inihinto naman kaagad ni Princess ang pagmamaneho at mabilis na lumabas ng kotse. Hindi na nakuhang mailigtas pa ang biktima mula sa nagliliyab na kotse sa hangganan ng Marcos Highway sa Montalban, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya. Rose Tesoro

Show comments