Bangko hinoldap

MANILA, Philippines - Nilooban ng tatlong armadong lalaki na umano’y miyembro ng bank robbery/ holdup gang ang isang bangko sa Cabad­baran, Agusan del Norte kamakalawa.

Naganap ang panghoholdap sa Peoples Bank dakong alas 10:45 ng umaga sa naturang lugar, kung saan bigla na lang dumating dito ang mga suspek na nagpanggap na kliyente ng bangko.

Mabilis na nagdeklara ng holdap ang mga suspect at inata­san ang teller na ilagay sa bag ang hindi pa ma­ deter­minang halaga ng salapi at mga tseke. Ilang minuto lang ay agad na tumakas ang mga suspek lulan ng kulay asul na motorsiklong XRM patungo sa hindi pa malamang des­tinasyon.

Habang ikinulong ng mga suspek ang mga empleyado sa loob ng bangko, Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otori­dad dito. (Joy Cantos)

Show comments