4 illegal loggers tiklo

MANILA, Philippines - Arestado ang mga umano’y illegal loggers na sina Rynez Llamas, Edison Revilla, Roland Mandrique at Crisaldo Parado, pa­ wang mga residente ng Brgy Concepcion at San Vicente, Mau­ban, Quezon dahil sa paglabag sa Republic Act 8084-Coconut preservation Act of 1995 kamakalawa sa hangganan ng Marikina City at Rizal.

Nahuli sa akto ang mga suspek na nagbibiyahe ng halos 2,000 board feet ng mga illegal na coco lumber. Dinakip ang mga ito alinsunod sa umiiral na “Oplan Kalikasan” laban sa mga talamak na namumutol ng punong kahoy, lalo na ng niyog, lalo pa at nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad hing­gil sa Modus Operandi ng mga suspek. Ito din umano ang nagi­ging sanhi kung bakit nagkakaroon ng pagbaha sa naturang lu­gar. (Joy Cantos/Rose Tamayo)

Show comments