Kambing ni-rape slay ng senglot

MANILA, Philippines - Dahil sa espiritu ng alak, nagawang gaha­sain ng isang tinedyer ang alagang kambing ng kaniyang kapitbahay na siyang ikinasawi ng hayop sa bayan ng Leon, Iloilo, kama­kalawa.

Bestiality o pakiki­pag-sex sa hayop at kasong kriminal ang kinakaharap ngayon ni Roger Cala­man, 18, ng Sitio Tacas, Barangay Talacuan ng nasabing bayan.

Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naganap ang in­sidente dakong alas-6 ng hapon sa nasabing lugar.

Ayon kay PO1 Em­ma­nuel Canatoy, mis­mong ang may-ari pa ng kambing na si Eliseo Minerva ang nakahuli sa suspek at nagreklamo sa pulisya.

Nasaksihan ni Miner­va ang ginawang pang­ga­gahasa ng sus­pek sa kanyang ala­gang kam­bing.

Lalong tumindi ang galit ni Minerva nang makita niyang patay na ang alagang kambing nang lubayan ng tin­edyer.

Napag-alaman na katatapos lang ng suspek sa pag-aani ng palay kung saan nag­lasing ito at dahil sa masamang implu­wen­sya ng alak ay ginahasa nito ang kam­bing. (Joy Cantos)


Show comments