2 itinumba sa videoke bar

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga di-pa kila­lang grupo ng gunmen ang magkaibigang lalaki na sina­sabing magkasamang nag-iinuman ng alak sa videoke bar sa Cogon area sa Cagayan de Oro City kahapon ng madaling-araw.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nakilala ang da­lawa na sina Cristituto Tumanda, agent ng Anti-Theft and Rob­bery section ng pulisya at isang alyas “Joyjoy.”

Ayon kay SPO1 Richard Torres, na wala namang testigong lumutang para maka­pagbigay ng impormasyon sa pamamaril. (Ricky Tulipat)

Show comments