Kawani ng city hall inutas, ninakawan

BATANGAS  , Philippines   – Kinarit ni kamatayan ang isang 55-anyos na kawani ng city hall makaraang pagna­kawan ay pinagbabaril pa ng dala­wang ‘di-pa kilalang lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Gulod Itaas sa Batangas City, Batangas kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Supt. Ma­nuel Abu, Batangas City po­lice chief, ang biktimang si Jo­celyn Manalo, biyuda, ng Sampaguita Subd. kasalu­ku­yang naka-assign sa Batangas City Market Administration Office at naging kawani ng Transport Development Regulatory Office.

Huling nakita ang bik­tima na may kausap na dalawang lalaki sa loob ng kanyang bahay bandang alas-9 ng gabi

Bandang alas-2 ng ma­da­ling-araw nang magising ang anak na si Daryl at nag­tungo sa kuwarto ng kan­yang ina pero nagulat na­lang ito nang matag­puang patay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagtamo ng tama ng bala ng baril ang biktima sa ulo at braso kung saan tinangay ng mga suspek ang apat na celpon, P.1 milyon at assorted na jewelries.

Samantala, nakilala ni Daryl ang isa sa dalawang lalaking kausap ng kan­yang ina na ngayon ay tinutugis ng mga awto­ridad. Arnell Ozaeta


Show comments