'Mangkukulam' inutas ng magsasaka

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang misis na inakusahang mang­kukulam kung saan pinag­babaril at sinaksak hang­gang sa mapatay ng mag­sasaka sa Brgy. Anonang sa bayan ng San Guiller­mo, Isabela, ayon sa ulat ka­hapon.

Kinilala ni P/Chief  Supt. Roberto Damian, ang na­pa­tay na si Carmelita Pe­ralta, 44, ng nabanggit na barangay.

Naaresto naman at na­haharap naman sa kasong murder ang suspek na si Ariel Acoba.

Sa naantalang ulat, na lumilitaw na nag-ugat ang krimen dahil sa inakusahan ng suspek ang biktima na siyang kumulam sa biye­nang si Baldo Narne.

Ayon sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, lu­militaw na dinapuan ng ma­tin­ding karamdaman ang bi­yenan ng suspek sa hindi maipaliwanag ng mga doctor kung saan sinasa­bing sanhi ng kulam.

Nagpasya ang suspek na akusahan ang biktima na responsable sa pagka­ka­sakit ng kanyang biye­nan at tumanim sa isip nito ang napapabalitang lahi ng mangkukulam ang pamilya Peralta sa kanilang bayan.

Kasunod nito, kaagad na kinuha ang baril at itak, sinugod ng suspek ang ba­hay ng mga Peralta subalit ang mister ng misis ang ka­niyang nadatnan.

Nang malamang nasa tahanan ng ina na maysakit ay sinundan ng suspek at nang matiyempuhan ay mabilis na pinagbabaril at upang masigurong hindi siya mabubuweltahan ng kulam ay pinagsasaksak ito upang tiyakin na hindi na mabubu­hay pa ang misis.

Show comments