Guro tiklo sa child abuse
() - May 27, 2009 - 12:00am

BATANGAS, Philippines – Panandaliang naghimas ng rehas na bakal ang isang elementary school teacher matapos sampahan ng kasong child abuse ng mga magulang sa Batangas City, kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Manuel Abu, hepe ng Batangas City PNP, ang suspek na si Segunda Yolanda Cullar, 51, ng Barangay Cuta, Batangas City. Si Cullar ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Florencio Arellano ng Batangas City Regional Trial Court Branch 1. Napag-alamang kinasuhan ng child abuse si Cullar matapos hampasin nito ng libro sa ulo ang isang grade 4 student na si John Daniel Ibon habang nasa klase sa Batangas City South Elementary School noong Enero 12, 2009. Pansamantalang nakalaya si Cullar matapos makapagpiyansa ng P80,000. - Arnell Ozaeta


ARNELL OZAETA BARANGAY CUTA BATANGAS CITY BATANGAS CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH BATANGAS CITY SOUTH ELEMENTARY SCHOOL CULLAR JOHN DANIEL IBON JUDGE FLORENCIO ARELLANO MANUEL ABU SEGUNDA YOLANDA CULLAR SI CULLAR
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with