3 'kidnaper' pinabulagta

MANILA, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang sinasabing miyembro ng kidnap-for-ransom syndicate ang iniulat na napaslang makaraang ratratin ng grupo ng kalalakihan sa Brgy. Victoria, Zam­boanga City kahapon ng hapon. Kinilala ni P/Supt. Angel Sunglao, ang mga nasawi na sina Lopes Antito, misis nitong si Nuraida Antito at si PO1 Mutalib Wali. Si Lopes Antito ay sinasabing miyembro ng KFR syndicate na nag-ooperate sa Zamboanga City habang sugatan naman sina Omar, Samir, Jaisa at Salman na pawang may apelyidong Antito. Ayon sa ulat, lulan ng truck ang mga biktima nang dikitan at ratratin sa Maria Clara Lobregat Highway. Ina­alam na ng pulisya kung kasabwat sa KFR ang napatay na pulis. - Joy Cantos


Show comments