Suspek sa nakawan itinumba

PANGASINAN, Philippines – Isang mister na pinaniniwalaang miyembro ng grupo na nagnanakaw ng baka ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng ’di-pa kilalang suspek noong Sabado ng gabi sa Barangay Bolosan sa San Carlos City, Pangasinan.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, papauwi na ang biktimang si Dondon “Pupoy” Bacani, mula sa panonood ng telebisyon sa kapitbahay nang lapitan at ratratin ng maskaradong lalaki.

May teorya ang pulisya na ang krimen ay may kaugnayan sa pagtataksil ng biktima sa mga miyembro ng grupo na sinasabing magnanakaw ng baka sa kalapit na barangay at bayan. (Cesar Ramirez)


Show comments