Bagitong parak binugbog ng 2 maton

MANILA, Philippines - Isang bagitong pulis ang pinagtulungang bugbugin at tinangayan ng motor­siklo ng dalawang binan­sagang ma­ ton sa San Fer­nando, Cebu. 

Kinilala sa naantalang ulat kahapon ng pulisya ang biktima na si PO1 Dave Agcol, 32-anyos, nakata­laga sa Provincial Headquarters Service Group.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Peter Aba­quita at Joel Abaquita, kap­wa residente ng Mo­jon, Langtad, Naga City, Cebu.

Lumilitaw sa imbesti­gas­yon na nagtungo si Agcol sa Sitio Lakaron, Barangay Pi­talo, San Fer­nando para ba­wiin ang naisanglang cell­phone ng kanyang asawa nang pag­tulungan siyang bug­bugin ng mga suspek. Ti­nangay din ng mga ito ang kan­yang motorsiklo at .45 kalibreng pistola.

Nahaharap sa kasong robbery, direct assault at car­napping ang mga pi­nag­haha­nap na suspek. (Joy Cantos)

Show comments