Barangay chairman itinumba

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Isa na namang barangay chairman ang iniulat na napaslang makaraang ratratin ng mga ’di-pa kilalang kalalakihan kamakalawa ng gabi sa bisinidad ng Sitio Francia sa Barangay May – Ogob, sa bayan ng Ocampo, Camarines Sur. Na­puruhan ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Chair­man Edmundo Ibasco ng nabanggit na ba­rangay. Base sa police report, nanonood ng sayawan sa basketball court ang biktima nang lapitan at pagbabarilin. Ed Casulla

Show comments