2 nanloob sa banko tiklo

BULACAN, Philippines — Rehas na ba­­kal ang binagsakan ng da­lawa sa apat na kalalakihan na sinasabing nanloob sa rural bank makaraang ma­ares­to ng pulisya kahapon ng ma­da­ling-araw sa bayan ng Ca­lum­pit, Bulacan. Kasa­lu­ku­yang su­masailalim sa tactical inter­rogation ang mga sus­pek na sina Rudy Go­mez ng # 1547 Prudencio St., Sam­­paloc, Manila at Bong-Bong Gas­con ng Neta Gu­lod, Nova­liches, Que­zon City.

Base sa police report, pi­nasok ng mga suspek ang Cooperataive Rural Bank of Bulacan sa Brgy. Caniogan subalit lingid sa kawatan ay tu­munog ang alarma na naka­kabit sa himpilan ng pulisya kaya mabilis na rumesponde ang pulisya.

Ayon sa pulisya, hindi naman nalimas ang laman ng safety vault na P.7 milyon ha­bang narekober sa mga sus­pek ang dalawang baril, gra­nada, bolt cutter,dalawang bareta, at iba pang gamit. (Boy Cruz at Dino Balabo)

Show comments