^

Probinsiya

Misis binoga sa ulo ni mister

-

MANILA, Philippines - Kalaboso ang binag­sakan ng isang detachment commander ng Philippine Army makaraang barilin at mapatay ang kanyang misis habang nagtatalo ukol sa negosyo, kamakalawa sa Barangay Capirpirwan sa bayan ng Cordon, Isabela.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Adelaida, 41, ng nabanggit na barangay, habang naka­takdang sampahan ng ka­ukulang kaso ang suspek na si T/Sergeant Augusto Ba­ngayan, 46, at detachment commander ng Echo Company ng 77th Infantry Battalion.

Sa police report na naka­rating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa loob ng bahay ng mag-asawa kung saan dumating ang suspek na lango sa alak at kinompronta ang kanyang misis.

Dito nagkaroon ng pag­tatalo ang mag-asawa kaug­nay sa kanilang negosyong pagpapautang ng bigas na nauwi sa pamamaril.

Iginiit naman ng suspek na hindi niya sinadya ang pamamaril at hindi nito kayang patayin ang asawa dahil mahal niya ito. Danilo Garcia

vuukle comment

ADELAIDA

BARANGAY CAPIRPIRWAN

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

DITO

ECHO COMPANY

INFANTRY BATTALION

PHILIPPINE ARMY

SERGEANT AUGUSTO BA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with