Konsehal tiklo sa buy-bust

BATANGAS CITY – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang barangay councilor matapos arestuhin ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa bisinidad ng Barangay Kumintang Ilaya sa Batangas City, Batangas kamakalawa ng gabi.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Mayorico Ramon Ona II, 33, binata,1st councilor sa Brgy. Concepcion sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay P/Supt. Manuel Abu, bandang 8:30 ng gabi nang maaresto ng grupo ni SPO3 Nestor Balita si Ona habang inaabot ang ibebentang droga sa isang pulis na poseur buyer.

Nasamsam ng mga pulis ang 7-sachet na naglalaman ng shabu (methampetha­mine hydrochloride). (Arnell Ozaeta)

Show comments