Anak ng ex-mayor itinumba

BATANGAS – Isang 26-anyos na anak ng ex-mayor ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa bisinidad ng Barangay Poblacion West sa bayan ng Alitagtag kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PO3 Garry Abregunda, ang biktimang si Ferdinand “Macoy” Andal ng Barangay Muzon 1st, Alitagtag, Batangas at anak ni ex-Mayor Bayani Andal ng Sta. Teresita.

Sa police report, lumilitaw na patungong town proper ng Alitagtag si Andal sakay ng Toyota Innova (BDS-810) nang dikitan at pagbabarilin ng dalawang armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo.

Naisugod pa si Andal sa Taal Polymedic Hospital pero idineklarang patay. Napag-alaman pa na nagbabalak na tumakbong mayor si Andal sa darating na eleksyon sa bayan ng Alitagtag. (Arnell Ozaeta)

Show comments