Mag-ama kinatay ng katiwala

DUMARAO, Capiz – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ama maka­raang pagtatagain ng katiwala ng manukan sa Sitio Suok Poblacion sa ba­yan ng Oton, Iloilo kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mag-amang Harry Jalan­doni at Larry Ja­landoni, 10.

Ang matandang Jalan­doni ay ginilitan ng leeg at nagtamo ng 10 saksak ng patalim sa katawan ha­bang si Larry naman ay nag­tamo ng 15 sugat ng patalim sa katawan.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas Michael, katiwala sa manukan sa nabanggit na lugar.

Base sa radio station na RGMA Ratsada Iloilo, napag-alamang bumisita lamang ang mag-ama sa binabantayang manukan ng suspek para makipag-inuman ng alak.

Sa hindi nabatid na da­hilan matapos na maki­pagtalo ang matandang Jalandoni ay naghura­mentado ang suspek na sinasabing lango sa alak at pinagsasaksak ang mag-ama.

Natagpuan ng mga aw­toridad sa crime scene ang mga bote ng alak bandang alas-7 ng umaga kahapon.

Show comments