2 lover nagpatiwakal

Dahilan sa kabiguan sa pag-ibig, dalawang lalaki ang nagpatiwakal sa mag­kakahiwalay na insidente sa Cagayan de Oro City ka­makalawa.

Kinilala ng pulisya ang unang biktima na si Kenneth Mascardo, 20, ng Zone 7, Barangay Bulua ng nasabing lungsod.

Ayon kay Police Insp. Philip Pontillas, hepe ng Bulua Police Precinct, isang shotgun ang ginamit ni Mascardo sa pagbaril sa sariling ulo nito.

Lumitaw sa imbesti­gas­­yon na nagpakamatay si Mascardo nang ma­laman niyang may ka­relasyong ibang lalaki ang kaniyang nililiyag na dalaga.

Sa isa pang insidente, nagbigti si Alvin Palasan, 32-anyos, ng Barangay Baikingon ng lungsod.

Nagpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pagtali ng sinulid na ipinulupot nito sa kanyang leeg matapos silang mag-away ng kanyang live-in partner dahil umano sa selos. (Joy Cantos)

Show comments