Shabu lab sa La Union ni-raid

Isa na namang sha­bu lab ang ni-raid ng mga ta­­uhan ng Philippine Drug Enforcement Agen­­cy (PDEA) at pulis­ya sa Barangay Bimmo­tibot sa bayan ng Nagui­lan, La Union kahapon.

Aabot sa milyong halaga ng mga kaga­mitan at kemikal ang nakumpiska sa bahay na may lagusan patu­ngo sa kuweba at na­aresto ang dalawang katiwala na sina Thomas Pala­ganas at Andy Tangalin.

Sa bisa ng  search warrant na inisyu ni Judge Ferdinand A. Fe ng Bauang Regional Trial Court Branch 67 sa La Union, nakipag-ko­ordinasyon sa pa­mu­nuan ng PDEA ang La Union Provincial Police at Police Re­gional 1 bago isa­gawa ang pag­salakay, ayon kay PDEA spokes­man IO4 Derrick Carreon.

Kabilang sa na­sam­­sam sa operas­yon ang mga burners, 24 tang­ke ng liquefied petroleum gas (LPG), 52 piraso ng cauldrons, 80 sako ng caustic soda potassium hydrate; 79 barrel ng Iodine crystals, 15 barrel ng red phosphorous, 65 kahon ng ethanol, 7 industrial  jar,  respirators at iba pang essential equip­­ments sa paggawa ng methamphetamine hydrochloride o sha­bu.

Kasalukuyang isi­na­sailalim na ngayon sa interogasyon ang dala­wang katiwala ha­bang patuloy naman tinutugis ang maintainer ng shabu laboratory na kinilalang si George Cordero.

Show comments