^

Probinsiya

Barangay kinubkob ng MILF rebs

- Nina Malu Manar at Joy Cantos -

TACURONG CITY – Aabot sa 200 pamilya mula sa Barangay Sangay sa bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat ang iniulat na nagsilikas makaraang lu­subin at kubkubin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kanilang lugar, noong gabi ng Miyerkules.

Ayon sa ulat ni Kala­mansig Mayor Rolando Garcia, pinasok ng mga rebeldeng MILF ang na­banggit na barangay at agad ipinag-utos sa mga residente na magsilikas.

Dahil sa takot, agad na nagsilikas ang mga resi­dente na karamihan sa ka­nila ay mga Ilokano at Ilonggo, at pansaman­ta­lang nani­nirahan sa Pobla­cion ng Kalamansig, ayon kay Mayor Garcia.

Ayon kay Garcia, ang malawak na lupain ng Ba­rangay Sangay ay minana pa ng mga Ilokano at Ilong­go sa kanilang mga ni­ nuno.

Nanguna sa paglusob sa naturang lugar ay si Commander Boyet na nag­mula sa Barangay Kulong-Kulong sa kalapit bayan sa Palem­bang, Sultan Kuda­rat.

Nangako naman si MILF Spokesman Eid Kabalu na kanilang beberipikahin ang impormasyon.

“But we have not received the report yet, we are verifying it,” saad ni Kabalu.

AYON BARANGAY KULONG-KULONG BARANGAY SANGAY COMMANDER BOYET ILOKANO KALAMANSIG MAYOR GARCIA SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with