Holdap: P.3M nalimas

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Tinatayang aabot sa P.365 miIyon ang nalimas ng mga ‘di-kilalang armadong kalalakihan makaraang holdapin ang tatlong kawani ng water district sa Barangay Poblacion, San Pedro, Laguna kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Felipe Rojas, Jr., Laguna police director, lulan ng pick-up (SFB-420) si Charmine Castasus, record assistant ng San Pedro Water District, kasama ang driver at security guard nang harangin sa may Ba­rangay Poblacion bandang alas-11 ng umaga.

Napag-alamang mag­dedeposito sana sa sangay ng Landbank of the Philippines ang mga biktima nang magkakasunod silang tutukan ng baril ng mga holdaper bago tangayin ang malaking halaga.

Wala namang sinak­tan sa mga biktima matapos ang insidente. Nagsasagawa na ng follow-up operation ang San Pedro PNP para tugisin ang holdaper na tumakas patungong Barangay Cuyab. (Arnell Ozaeta)

Show comments