^

Probinsiya

Sanggol, may kakambal na ahas

-

LEGAZPI CITY Matinding sindak ang naramdaman ng magka-live-in sa Purok 6 sa Barangay Sto. Cristo Tabaco City, Albay kung saan nagsilang ang misis ng isang sanggol na babae na may kakambal na ahas noong Huwebes ng Pebrero 28, 2008.

Sa beripikasyon ng NGAYON kay P/Supt. Jose Capinpin, hepe ng pulisya sa nasabing lungsod, kaagad na lumipat ng tirahan sa Camarines Sur ang magka-live-in na sina Gil Belen at Maricel Verzosa matapos kumalat ang balitang nagsilang sila ng sanggol na may kakambal na anim na pulgadang haba ng ahas na itim.

Halos hindi naman makapaniwala ang pamilya ng babae sa misteryong bumabalot sa panganganak nito ng isang malusog na sanggol na may kakambal na  ahas.

Ayon pa sa mga opisyal, ang balita nila ay  buhay naman at normal ang bata na iniluwal ng ginang na ngayon ay  hindi pa malaman kung saang barangay sa Camarines Sur lumipat ng tirahan sa takot na dumugin ng mga residente.

Sinasabi ng mga matatanda na bagaman bibihira lamang sa kasaysayan ang mga babaeng nagsisilang ng may kakambal na ahas ay suwerte umano ito sa negosyo. (Ed Casulla at Joy  Cantos)

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY STO

CAMARINES SUR

ED CASULLA

GIL BELEN

JOSE CAPINPIN

MARICEL VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with