Senior coed dedo sa kawatan

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang 19-anyos na estud­yante ang iniulat na napatay makaraang pasukin ng mga mag­nanakaw ang bahay nito sa bayan ng Pila, Laguna noong Sabado ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Supt. Felipe Rojas, Jr. Laguna police director, ang biktimang si Kris­tian Elona, 4th year college student ng Laguna  State Polytechnic  University.

Ayon sa imbesti­gasyon, natagpuan ang bangkay ni Elona sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Linga bandang alas- 3 ng hapon.

Sa pagsisiyasat ng mg tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo si Elona ng multiple stab wounds sa ibat-ibang bahagi ng katawan nang matagpuang na­kalugmok sa sahig ng kwarto nito.

Posibleng nakilala ng biktima ang mga sus­pek kaya ito tinu­luyang patayin mata­pos iga­pos ang mga kamay nito gamit ang sintas ng sapatos.

Bago tumakas, ti­nangay ng mga kawa­tan ang Motorola L6 celfone ng biktima.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Pila police para tugisin ang mga  sala­rin.

Show comments