Basketball coach niratrat ng NPA

Isang coach ng isang bas­ketball team ang nasawi ha­bang isa pa sa mga man­lalaro nito ang nasugatan matapos na paulanan ng bala ng mga pinaghihina­la­ang rebeldeng New People’s Army sa Isabela, Negros Occidental kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Antonio Minasalbas na ma­liban sa pagiging basketball team coach ay isa rin sa mga Tanod sa Barangay San Agustin sa kanilang lugar.

Ang biktima ay idinekla­rang dead-on-the-spot sa insi­dente matapos na ma­sapul ng mga tama ng bala sa  tiyan.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang kasama nitong manlalaro na si Art Molina para malapatan ng lunas.

Bandang alas-3:00 ng hapon, habang magkakasa­mang naglalakad ang mga biktima para maglaro ng bas­ketball sa Brgy. San Agustin nang paula­nan ng bala ng mga rebelde.

Nagawa namang maka­ligtas ng anim pa sa mga man­­lalaro matapos na ma­bilis ang mga itong maka­pag­kubli.

Isa naman sa mga tes­tigo ang positibong kumilala sa mga suspek na mga miyem­bro umano ng Ko­miteng Lara­ngan ng NPA sa Central Negros.

Lumilitaw sa inis­yal na imbestigasyon na isa sa mga manlalaro ni Mina­salbas ay nakaaway umano ng isang kamag-anak ng na­sabing rebel group.

Patuloy na iniimbes­tigahan ng mga awtoridad ang kasong ito. (Joy Cantos­)

Show comments