Bus vs bike: 2 tinedyer utas

CAPIZ – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa dalawang tinedyer na lalaki makaraang salpukin ng pampasaherong bus sa kalsadang sakop ng Barangay Bitoon Ilaya sa bayan ng Cuartero, Capiz kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Joven C. Halican, 15, grade 5; at Richard M. Guillermo, 15, 1st year high school, at kapwa naninirahan sa Barangay Dangula, Dumarao, Capiz. Sumuko naman sa Cuartero PNP ang drayber ng bus na si Nacario E. Tabilid, 37, ng Zone 13, Calaparan Villa, Iloilo City. Napag-alaman sa ulat na magkaangkas ang dalawa sa bisikleta papauwi mula sa showdown ng tam­bling nang salpukin ng Ceres Bus Liner na may plakang FWD 207.

Show comments