Asian Spirit sumadsad: 43 nakaligtas

LEGAZPI CITY – Naka­ligtas sa karit ni kamatayan ang 43-pasahero kabilang na ang apat na crew ma­karaang sumadsad sa runway ang eroplano ng Asian Spirit sa naganap na ak­sidente sa Barangay Nur­sery, Masbate City, Mas­bate kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Senior Supt. Saadra Gani, Masbate police director, malakas na hangin ang isa sa dahilan kaya lu­mag­pas sa runway ang Asian Spirit Flight number YS11 na may body number C-3592 dakong alas-7:20 ng umaga.

Sinabi ni Gani na itinulak ng malakas na hangin ang buntot ng eroplano kaya sumalpok sa pader ang nguso saka sumadsad ng limang metro lamang mula sa kal­sada ng mga moto­rista kung saan nagkaroon ng pinsala ang aircraft.

Sa kabila nito ay ma­ayos  namang  nakababa ang lahat ng mga pasa­herong pansa­mantalang hindi na­ibigay ang pag­kikilanlan. Patuloy naman ang im­bestigasyon ng mga awtori­dad. Ed Casulla, Joy Cantos at Ellen Fernando

Show comments