3 dedo sa manok na ninakaw

CAMP CRAME — Dahil sa ninakaw na panabong na manok, tatlo katao ang iniulat na nasawi habang isa pa ang nasugatan sa naganap na rambulan sa Barangay Morales, Koronadal City, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala  ang mga nasawi na sina Ray­mundo Estabillo, Esteban Alegria at si Elmer Panes. Sugatan naman ang itinuturong nagnakaw ng manok na si  Butog Estabillo na nasa South Cotabato Provincial Hospital.

Napag-alamang nag-iinuman ng alak ang mag-utol na Raymundo at Butog Estabillo at si Alegria. Nang malasing si Alegria ay nagpahiwatig na pinagsususpetsahan niya si Butog na nagnakaw ng manok.

Sa puntong ito, sumiklab ang rambulan hanggang barilin ni Alegria si Butog na hindi naman napuruhan subalit si Raymundo ang nahagip sa dibdib. Agad namang nakakuha ng patalim si Butog at pinag­ sasaksak  at napatay si Alegria at Panes. (Joy Cantos)

Show comments