Truck hulog sa sapa, driver dedo

CAMP CRAME – Isa ang patay habang anim iba pa ang nasugatan matapos na mahulog sa malalim na sapa ang sinasak­yang truck ng mga biktima sa hangganan ng Barangay Daga at Barangay Lanag sa bayan ng Sta. Barbara sa Iloilo, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Robert Gumban habang isinugod sa ospital ang mga nasugatang pasahero. Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nawalan ng kontrol ang drayber ng truck kaya sumalpok sa barandila ng tulay bago tulu­yang nahulog sa malalim na sapa na nagresulta sa pagkamatay ng driver.

Aminado ang  mga sugatang biktima na pawang naka­inom sila ng alak habang bumibiyahe. (Joy Cantos)

Show comments