^

Probinsiya

12 nalason sa arroz caldo

-

CAMP CRAME  — Labindalawang estudyante ang iniulat na naospital matapos kumain ng arroz caldo sa pribadong eskuwelahan sa Dadiangas, General Santos City kamakalawa ng umaga. Base sa ulat, ang mga biktima ay pawang estudyante sa elementarya at high school sa Notre Dame of Dadiangas for Girls. Napag-alamang kumain ng arroz caldo ang mga biktima sa canteen ng eskuwelahan at ilang oras ang nakalipas ay nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at matinding pagsusuka kaya agad na isinugod sa General Santos City Health Office. Lumilitaw sa pagsusuri ni Danny Canencia, sanitary health inspector sa nasabing pagamutan, mismong mga madre pa ng  eskuwelahan ang nagluto ng arroz caldo para sa mga estudyante. Inihayag naman ng eskuwelahan na aksidente lamang ang pangyayari at pinaiimbestigahan na nila ang insidente. Joy Cantos

vuukle comment

DADIANGAS

DANNY CANENCIA

GENERAL SANTOS CITY HEALTH OFFICE

INIHAYAG

JOY CANTOS

LABINDALAWANG

LUMILITAW

NOTRE DAME OF DADIANGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with