^

Probinsiya

18 barangay inatake ng ‘balang’

-

KIDAPAWAN CITY – Libu-libong ektaryang pa­nanim sa may 18 barangay sa bayan ng M’lang, North Cotabato ang sinalakay ng balang (stem borer) may ilang araw na ang nakalipas.

Aabot sa P5 milyon pa­layan ang apektado ng tamasok (wikang Ilonggo para sa stem borer), isang uri ng peste na umaatake sa mga palayan, ayon kay Noemi Nicolas, municipal agriculturist ng M’lang.

Agad naman isinailalim sa state of calamity ang bayan ng M’lang kabilang na ang mga Barangay Pulang Lupa, Buayan, New Janiuay, New Barbasa, Lepaga, Inas, Langkong, Lika, Luz Village, Pag-asa, New Antique, Tibao, Bia­long, Magallon, Sangat, Dugong, Dalipe at ang Ba­rangay Kalunasan.

Nasundan pa ng ma­tinding tagtuyot ang na­sabing bayan noong Abril at Mayo, samantalang  noong nakaraang linggo ay binaha naman ang ilang bahagi ng M‚lang. (Malu Cadelina Manar)

vuukle comment

BARANGAY PULANG LUPA

LUZ VILLAGE

MALU CADELINA MANAR

NEW ANTIQUE

NEW BARBASA

NEW JANIUAY

NOEMI NICOLAS

NORTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with