2 holdaper sa Cavite dinedo ng kabaro

CAMP VICENTE LIM, Laguna   Dal­a­wang kalalakihan na pinaniniwa­laang miyembro ng robbery-holdup gang ang napatay ng kapwa holdaper sa naganap na shootout sa Barangay Zapote 1, Bacoor, Cavite noong Linggo ng umaga. Kabilang sa napatay ay sina Eduardo Estifona, 37, ng Talaba 1 at Ricardo Francisco, 29, na na­­matay sa Las Piñas Emergency Hospital. Pinaghaha­nap naman ng pulisya ang sus­pek sa pamamaril na si Jimmy Makiling, 28. Base sa ulat ng pulisya, ang dalawang na­patay at ang nakatakas na si Makiling ay pina­niniwalaang mga miyembro ng grupong robbery-holdup gang na nag-away-away sa hatian ng kanilang nakulimbat. Arnell Ozaeta

Show comments