Mga pekeng pamatay-sunog nagkalat sa Pampanga

PAMPANGA — Nagba­bala ngayon ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection sa Region 3 kaugnay sa ibine­bentang mga pekeng fire extinguisher sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Pampanga.

Ito ang ipinahayag ni Angeles City Fire Marshal Chief Inspector Nelson Feliciano ma­tapos na makatanggap ng mga reklamo hinggil sa nasa­bing pamatay-sunog.

Kabilang sa mga negos­yanteng nakabili ng mga pekeng pamatay-sunog na pormal na nagreklamo sa tang­gapan ng nabanggit na opis­yal ay sina Shiela Ca­berto ng Pampanga Dairy Products;  Jane Marie ng Uni-Oil Gas at si Julio Pamintuan ng Arts Craft sa Balibago City.

Karamihan sa mga nabili nilang fire extinguisher ay mga peke dahil ito ay nagla­laman lamang ng kulay puting pulbos na di-maitu­turing na kemikal na pama­tay-sunog.

Sa pahayag ng mga bik­tima, nagpapakilalang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang mga sus­pek upang makabenta ng mga pamatay-sunog. Resty Salvador

Show comments