Mag-utol na dalagita ni-rape

CAMP CRAME – Kalaboso ang binagsakan ng isang 18-anyos na lalaki makaraang ireklamo ng kanyang dalawang kapatid na babae sa kasong panghahalay sa loob ng kanilang bahay sa San Pablo, Laguna. Pormal na kinasuhan habang nakapiit ang suspek na si Jonathan Balundoy, 18, ng Barangay Atisan ng nasabing bayan. Ayon kay P/Senior Supt. Felipe Rojas Jr, Laguna provincial police director, huling ginalaw ng suspek ang kanyang 17-anyos na kapatid noong gabi ng Marso 15 sa kanilang bahay, habang ang 13-anyos naman ay noong Marso 16.

Napag-alaman pa sa dalawang biktima na hindi na nila kapwa mabilang kung ilang beses silang hinalay ng kanilang kuya na nagsimula noon pang isang taon, subalit natatakot lang silang magsumbong dahil nagbabanta itong papatayin sila kapag nagsumbong. (Edwin Balasa)

Show comments