2 NPA tumba sa engkuwentro

CAMP AGUINALDO — Dalawang rebeldeng New People’s Army ang iniulat na napaslang makaraang makasagupa ang tropa ng Phil. Army sa magubat na bahagi ng Barangay Sicalao, Lasam, Cagayan kamakalawa. Gayon pa man, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na rebelde matapos na wala ni isa mang identification card na makuha mula sa bangkay ng mga ito. Ayon kay Army’s 5th Infantry Division Chief Major Gen. Rodrigo Maclang, dakong alas-8:45 ng umaga nang makasagupa ng mga sundalo ng Army’s 21st Infantry Battalion ang mga rebelde sa pamumuno ni Sonny Pajarillo, alyas "Ka Ching" ng NPA Cagayan Valley Command. Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang US Garand rifle na may isang clip ng bala. (Joy Cantos)

Show comments