^

Probinsiya

50 mangingisda na hinostage nasagip

-
Matapos mabihag ng mga pirata sa loob ng 31-oras, nailigtas ng mga elemento ng Philippine Navy ang limampung mangingisdang sa Tawi-Tawi, ayon sa opisyal ng militar kahapon.

Sinabi ni Navy Spokesman Commander Giovanni Carlo Bacordo, pasado alas -5:20 ng hapon kamakalawa bago magtakipsilim nang mailigtas ng dalawang Navy gunship patrol ship (PS)-38 at patrol gunboat (PG) 384 na may lulang 45 tropa, ang mga hinostage na mangingisda.

Ayon kay Bacordo, ang mga mangingisda ay nailigtas ng kanilang mga tauhan sa bisinidad ng Kangtipayan Dakula Island kung saan ay inabandona ng mga pirata na nanghostage sa mga biktima.

Napag-alamang nagpulasan ang mga pirata na mabilis na sumakay sa kanilang mga bangka sa takot na masukol ng mga tauhan ng Philippine Navy.

Ang mga piratang pinamumunuan ni Siscar Bassal na nauna nang humingi ng P.5 milyon kapalit ng pagpapalaya sa mga mangingisda noong Sabado.

Matapos mabatid ang insidente ay agad pinakilos ni Navy Chief Vice Admiral Rogelio Calunsag, ang kaniyang mga tauhan na nagresulta sa ligtas na pagkakabawi sa mga mangingisda.

Magugunita na ang dalawang bangkang pangisda na F/B Queen Bee Star at F/B Paul Gerald III na pag-aari ng IRMA na nakabase sa North Bay Boulevard sa Navotas ay na-seajack ng mga pirata dakong alas-11 ng umaga noong Sabado at tinangay ang 50 mangingisda. (Joy Cantos at Ellen Fernando)

B PAUL GERALD

B QUEEN BEE STAR

ELLEN FERNANDO

JOY CANTOS

KANGTIPAYAN DAKULA ISLAND

MATAPOS

NAVY CHIEF VICE ADMIRAL ROGELIO CALUNSAG

NAVY SPOKESMAN COMMANDER GIOVANNI CARLO BACORDO

PHILIPPINE NAVY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with