50 mangingisda hinostage!
January 1, 2007 | 12:00am
Tinangay ng mga pirata ang dalawang bangkang pangisda mula sa Navotas at hinostage ang 50 crew nito habang nangingisda sa karagatan ng Northern Tawi-Tawi kamakalawa.
Sa report na tinanggap ng Philippine Navy sa Western Mindanao Command (Wesmincom, dakong alas-11 ng umaga kamakalawa nang makatanggap ng tawag ang Irma Fishing Incorporated, nagmamay-ari ng na-seajack na F/B Paul Gerard III at F/B Queen Bee Star mula sa mga crew nito nang sila ay akyatin at tutukan ng mga baril ng mga pirata na nagpakilalang kasapi ng RPMA-ARMM security forces sa karagatang sakop ng Kangtipayan, Dakula, Northern Tawi-Tawi.
Habang nangingisda ang mga crew ng dalawang nabanggit na barko sa nasabing lugar nang biglang magdatingan ang may 20 pirata sakay ng mga bangka at agad na sumampa sa dalawang fishing boats.
Walang nagawa ang mga mangingisda nang kumpiskahin ang kanilang radios at ibang communication gadgets. Nagawa pang makatawag sa kanilang home base ang radio operator ng fishing boats pero na-cut ito nang tutukan ng mga baril ng mga pirata.
Kinumpirma ang seajacking matapos na ma-trace ng Irma Fishing ang lokasyon ng dalawang tinangay na barko.
Sinabi ni Assistant Vice President Cesar Sugale ng Irma Fishing na dakong alas-7:30 ng umaga nang makita sa kanilang Global Positioning System (GPS) mula sa main base nito sa Navotas ang lokasyon ng dalawang bangka na nakarating na sa Kualabaro Island sa Northern Tawi-Tawi.
Nabatid kay Sugale na bandang alas-11 ng tanghali kahapon ng makakuha sila ng direktang impormasyon at tawag sa isang nagpakilalang team leader ng RPMA-ARMM na si Siccar Bassal.
Hiniling ni Bassal sa pamunuan ng Irma Fishing na magbigay ng halagang P500,000 bilang ransom kapalit ng kalayaan ng mga mangingisda at pagsaoli sa mga bangka at mga isda.
Nagbanta ang naturang grupo na kanilang papatayin ang mga biktima kapag hindi naibigay ang kanilang hinihinging ransom.
Kaugnay nito, inatasan na Chief Supt. Joel Goltiao, regional director ng Police Region Office-ARMM ang kanyang mga tauhan na agad na tumungo sa area at tulungan ang Navy sa search and rescue operations sa mga biktima.
Ayon naman sa panig ng ARMM Security Forces, itinanggi nilang kasapi nila ang grupo ni Bassal na sumalakay sa naturang dalawang bangka.
Sinabi nila na kadalasan ay may insidente ng seajacking sa lugar dahil na rin sa pangingikil ng tinatawag nilang "anchorage fee" sa mga naglalayag na bangka o barko doon.
Sa panayam ng PSN kay Navy Spokesman Giovanni Carlo Bacordo, inatasan na ni Vice Admiral Rogelio Calunsag, Navy chief ang kanyang mga tauhan na galugarin ang mga pulu-pulo sa Tawi-Tawi na siyang pinagtataguan ng mga pirata.
Nagpadala na ang Navy ng kanilang mga kagawad sakay ng isang gunboat PG-384 at BRP Mariano Alvarez patrol ship (PS) 38 sa area. Inamin ni Bacordo na pinamumugaran at balwarte ng mga pirata ang nasabing lugar. (Ellen Fernando At Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest