Subic Bay, Gapo host ng 2007 AD Congress

OLONGAPO CITY — Kinumpirma kamakalawa ni Olongapo City Mayor James "Bong" Gordon na ang Subic Bay Freeport Zone at Olongapo City ay magiging host ng 2007 Advertising Congress (AD Congress).

Sa pahayag ni Mayor Gordon, ang Ad Congress ay ginaganap taun-taon para sa mga media outfits, advertising agencies, at mga advertisers kaya naging matagumpay ang nakaraang Ad Congress noong 2005 na dinaluhan ng 3,000 marketing at advertising professionals na ginanap sa Water Front Hotel, Cebu City.

Ang pagkapanalo bilang venue ng Ad Congress ay dulot na rin ng mga bentaheng inilatag sa mga organizers ng nasabing pagtitipon.

Bukod sa mga seminar facilities at recreational amenities, ang Subic Bay at Olongapo City, kilala rin ang nasabing lugar sa laragan ng hospitality services at security na naging host na rin noong nakaraang SEA Games. Samantala, sinabi pa ni Mayor Gordon na inaasahang maraming negosyante sa Gapo ang makikinabang sa 2007 Ad Congress.

Show comments