Mag-ina kinatay ng manugang

CAMP AGUINALDO – Animoy’ alagang baboy na pinagtataga hanggang sa mapatay ang mag-ina ng isang 25-anyos na durugistang mister dahil sa matinding selos sa naganap na karahasan sa Barangay Alijis, Bacolod City, ayon sa ulat kahapon.

Ang bangkay ng mga biktimang natagpuang ng kanilang kapitbahay sa loob ng kanilang tahanan sa St. Benilde Homes sa nabanggit na barangay ay nakilalang sina Nida Vargas, 52 at anak nitong lalaki na si Anthony, 27, na kapwa nagkaputul-putol ang ilang bahagi ng katawan.

Samantalang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Alfredo "Freddie" Tomaro na pinaniniwalaang adik sa bawal na gamot.

Ang suspek ay natukoy ng mga awtoridad matapos mag-iwan ng liham sa tabi ng bangkay ng mga biktima para sa kaniyang asawang si Jenny. Bago ang insidente ay nagselos ang suspek sa 18-anyos nitong asawang si Jenny na nagtatrabaho sa isang karaoke bar sa Bacolod City na hinihinala nitong may ibang lalaking karelasyon. (Joy Cantos)

Show comments