^

Probinsiya

Ulo tinagpas ng magsasaka

-
ANTIPOLO CITY, Rizal — Walang kalaban-labang napaslang ang isang 40-anyos na lalaki na pinaniniwalaang may kapansanan sa pag-iisip makaraang tagpasin ang ulo nito ng isang magbubuko na naasar sa panloloko ng una, kahapon ng umaga sa Barangay Masinag ng nabanggit na lungsod.

Duguang bumulagta ang biktimang si Emmanuel Guevarra ng Sitio Gulod, Marist Village, Barangay Mayamot, Antipolo City.

Samantala, agad na tumakas ang suspek na si Rodolfo Sabelonia, buko vendor at nakatira sa Sitio Kamias 3, Barangay Mambugan ng nabanggit na lugar.

Ayon kay PO2 Rodel Druja, naitala ang krimen dakong alas-9 ng umaga sa palengkeng sakop ng Masinag ng nasabing barangay.

Nabatid na kasalukuyang nagtitinda ng buko ang suspek nang asarin ng biktimang napag-alamang may diperensya sa pag-iisip.

Dahil sa pagod na sa kakatinda at ayaw pa rin itong tigilan ng makulit na biktima ay nagalit ang suspek at agad na kinuha ang itak na pantagpas ng buko saka tinagpas ang leeg. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY MAMBUGAN

BARANGAY MASINAG

BARANGAY MAYAMOT

EDWIN BALASA

EMMANUEL GUEVARRA

MARIST VILLAGE

RODOLFO SABELONIA

SITIO GULOD

SITIO KAMIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with