3 katao natusta sa kidlat

NAGUILLAN, Isabela – Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan at dagundong ng kulog, tatlo-katao na kinabibilangan ng isang ginang ang kinalawit ni kamatayan matapos tamaan ng matalim na kidlat habang naglalakad ang mga biktima, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay P/Inps. Rogelio Garcia, hepe ng pulisya sa bayan ng Naguillan, nakilala ang mga biktimang sina Richard Jacinto, 19; pinsan na si Abelardo Jacinto, 49; at Essing Agcaoili, 42, pawang residente ng Barangay Cabaruan ng bayang nabanggit.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na galing ang magpinsang Jacinto sa bukid nang tamaan ng matalim na kidlat habang naglalakad papauwi.

Samantalang si Agcaoili naman ay tinamaan din ng kidlat sa Barangay Bagong Sikat ng bayang nabanggit habang naglalakad kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan.

Ayon sa mga nakasaksi, hindi na nagawang itakbo sa pagamutan ang mga biktima na magkakasabay na tinamaan ng kidlat dahil sa lakas ng boltahe na pumasok sa katawan na agad nilang ikinamatay. <

Show comments