Prexy ng asosasyon itinumba

LAGUNA – Tinambangan at napatay ang isang 53-anyos na pangulo ng Sta. Cecilia Homeowner Association ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay naglakakad mag-isa sa bahagi ng Magnolia Street sa Ceres II Subd., Canlubang, Laguna kahapon ng umaga. Napuruhan sa mukha ang biktimang si Lolita Ariola, trader, na inupakan sa paradahan ng traysikel. Narekober ng pulisya sa biktima ang lata na kinalalagyan ng koleksyon, mga stickers at cellfone. Ayon kay P/Chief Insp. Boy Masongsong, posibleng may kinalaman sa krimen ang pagpapahintulot ng biktima sa pagbubukas ng main gate para sa dalawang asosasyon ng traysikel. (Ed Amoroso)

Show comments