^

Probinsiya

Konsehal itinumba sa eskuwelahan

-
CAMP CRAME – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang konsehal na miyembro Sangguniang Bayan sa harapan ng isang eskuwelahan sa Bantay, Ilocos Sur kamakalawa ng hapon.

Binistay ng bala ng baril at hindi na umbaot ng buhay sa Vigan Cooperative Hospital ang biktimang si Paul Lucero, kilalang opposition councilor sa bayang nabanggit.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, inihatid ng biktima ang kanyang asawa sa West Central School sa Zone 5 at kasalukuyang nag-aabang ng masasakyan nang biglang lumapit ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril ang pinawalan ng mga killer at duguang bumulagta ang biktima.

Narekober sa crime scene ang walong basyo ng bala ng baril mula sa mga suspek na tumakas sakay ng motorsiklo matapos na isagawa ang krimen.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong pulitika ang isa sa motibo ng krimen at posibleng bayarang mamamatay-tao ang pumatay sa biktima. (Myds Supnad At Joy Cantos )

vuukle comment

AYON

BINISTAY

ILOCOS SUR

MYDS SUPNAD AT JOY CANTOS

NAREKOBER

PAUL LUCERO

PINAGBABARIL

SANGGUNIANG BAYAN

VIGAN COOPERATIVE HOSPITAL

WEST CENTRAL SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with