^

Probinsiya

Konsehal dedo sa sariling baril

- Joy Cantos -
CAMP CRAME – Isang konsehal na miyembro ng Sangguniang Bayan ang iniulat na nasawi makaraang aksidenteng makalabit nito ang baril na isinukbit sa kaniyang baywang sa Barangay 2 Anao sa bayan ng Piddig, Ilocos Norte, ayon sa ulat kahapon.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac, Ilocos Norte ang biktimang si Johnny Silvano, 50, binata at residente ng nasabing lugar.

Napag-alamang kararating lamang ng biktima sa compound ng kanilang bahay lulan ng kanyang sasakyan mula sa sabungan.

Bandang alas-8:40 ng umaga kamakalawa, nang bumaba sa sasakyan ang biktima at kinuha ang baril nito na naiwan sa driver’s locker at isinukbit sa baywang, subalit sa hindi inaasahan ay nakalabit nito ang gatilyo at aksidenteng pumutok.

Nasapul ng bala ang biktima sa kanang bahagi ng kaniyang baywang na lumagos sa kaliwa at mabilis namang isinugod sa Piddig District Hospital, subalit dahil sa maselan nitong kalagayan ay inilipat sa Mariano Marcos Hospital and Medical Center sa bayan ng Batac.

Sinikap naman ng mga doktor na isalba ang buhay ng biktima, subali’t hindi napigilan ang pagsalubong ni kamatayan dakong alas- 3 ng hapon.

vuukle comment

ANAO

BANDANG

BATAC

BINAWIAN

ILOCOS NORTE

JOHNNY SILVANO

MARIANO MARCOS HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

MARIANO MARCOS MEMORIAL HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

PIDDIG DISTRICT HOSPITAL

SANGGUNIANG BAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with