^

Probinsiya

7 NBI agents ginulpi ng 15 pulis

-
Nalalagay ngayon sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin ang 15 tauhan ng pulisya makaraang pagtulungang gulpihin ang pitong agent ng National Bureau of Investigation (NBI) habang isinisilbi ang warrant of arrest sa isang Koreano noong Sabado sa Barangay Poblacion, Pamplona, Bacolod City.

Sa ulat ni NBI-Bacolod agent-in- charge Philip Pecache, isisilbi sana ang warrant of arrest na inisyu ni Executive Judge Simeon Dumdum ng Cebu Regional Trial Court laban sa Koreanong si Hei Bong sa kasong illegal possession of firearms.

Napag-alamang nakipag-ugnayan pa ang pitong NBI agent sa himpilan ng pulisya sa Pamplona, kaya naman sumama ang tatlong tauhan ng pulisya sa bahay ng Koreano.

Subalit nang makarating sila sa bahay ng Koreano ay pinahinto ang pitong NBI ng tatlong pulis at dito dumating ang may 15 pang pulis sa pangunguna ni P/Senior Insp. Nuñez hanggang sa pahigain, pagsisipain at pagpapaluin ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatiyempo namang makatakas ni Henry Arellano, cartographer ng NBI na agad nagpadala ng text messages kay Pecache hanggang sa makahingi ng tulong kay NBI-Dumaguete agent-in-charge Dominador Cimafranca at nagpadala ng mga tauhan sa naturang lugar.

Dito na nailigtas ang pitong biktimang ginulpi at dinala sa Negros Oriental Provincial Hospital, subalit sinundan pa rin ng mga pulisya kaya napilitang ilipat sa ospital ng Siliman University.

Pinaniniwalaan namang nagsisilbing protector ng Koreano ang 15 tauhan ng pulisya sa pangunguna ni P/Senior Insp. Nuñez na posibleng tumatanggap ng malaking halaga. Nakipag-ugnayan na ang NBI kay P/Chief Supt. Eduardo Gador, director ng PNP Region 7 para sa masusing imbestigasyon. (Danilo Garcia)

BACOLOD CITY

BARANGAY POBLACION

CEBU REGIONAL TRIAL COURT

CHIEF SUPT

DANILO GARCIA

DOMINADOR CIMAFRANCA

EDUARDO GADOR

EXECUTIVE JUDGE SIMEON DUMDUM

KOREANO

SENIOR INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with