^

Probinsiya

Utak sa hijacking, itinumba

-
CAVITE — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 31-anyos na lalaki na pinaniniwalaang utak ng multi-milyong hijacking habang ang biktima ay papasakay ng kanyang kotse sa bahagi ng Barangay Salinas 1, Bacoor, Cavite kahapon ng umaga.

Limang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Joel Bawag ng Barangay Javalera, General Trias, Cavite.

Hindi naman nakilala ang mga suspek na tumakas sakay ng isang silver gray na kotseng walang plaka patungo sa direksyon ng bayan ng Kawit.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Dominador Termil, inupakan ang biktima dakong alas-7:40 ng umaga habang papasakay ang biktima sa kanyang kotse na may plakang UJH-711 na nakaparada sa tapat ng inuupahang apartment ng live-in partner.

Napag-alamang bago maganap ang insidente ay pinapunta ng babae sa kanyang apartment sa nabanggit na barangay ang biktima dahil sa may mga hindi kilalang kalalakihan ang umaaligid.

Ayon pa sa ulat na ikinanta ng biktima sa kanyang ka-live-in na may mga taong ibig siyang itumba dahil sa pagkanta nito na sangkot ang ilang prominenteng personalidad at opisyal ng lokal na pamahalaan sa naganap na hijacking sa Cavite at Laguna.

Binanggit din ng live-in partner ng biktima sa mga awtoridad na may mga tiwaling tauhan ng pulisya na nakabase sa Cavite at Laguna ng sangkot din sa hijacking.

"Nagpupunta nga sa aming apartment ang mga pulis para humingi ng pera kay Joel bilang proteksiyon sa sindikato ng hijacking," dagdag pa ng babae.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong partihan sa kinitang multi-milyong dolyares na hijacking ang isa sa motibo ng krimen.

Kasalukuyang nangangalap ng impormasyon ang mga tauhan ng pulisya para maresolba kaagad ang krimen. (Cristina Timbang)

vuukle comment

AYON

BACOOR

BARANGAY JAVALERA

BARANGAY SALINAS

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

DOMINADOR TERMIL

GENERAL TRIAS

JOEL BAWAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with