Mister niratrat

CAVITE – Agad na nasawi ang isang 29-anyos na mister makaraang paulanan ito ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ng dalawang hindi kilalang armadong kalalakihan, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Luzviminda 1 Dasmariñas ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gilbert Garcia, may asawa at residente ng Block 32, Lot 6, Saint Charbel, South Subd., Brgy Sampaloc 4, Cavite.

Mabilis namang tumakas ang dalawang hindi nakilalang salarin tangay ang mga ginamit na armas.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Lorenzo Balbuena may hawak ng kaso, dakong-alas 12:20 ng gabi nang maganap ang insidente.

Ayon sa ulat na kasalukuyang nasa loob ng bahay ng isang nagngangalang Rose Garces ang biktima sa nabanggit na lugar nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng mga suspect. (Cristina G. Timbang)

Show comments