^

Probinsiya

May-ari ng lantsang tumaob, kakasuhan

-
Inihahanda na ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kaukulang kasong isasampa laban sa may-ari ng lantsang tumaob na nagresulta sa pagkasawi ng labing-anim na sibilyan sa naganap na trahedya sa fluvial parade ng Sto. Niño sa bayan ng San Ricardo, Southern Leyte.

Sa pahayag ni PCG commandant Vice Admiral Arthur Gosingan, posibleng madamay din sa kasong isasampa ang mga organizer ng fluvial parade.

Ayon pa kay Gosingan, maiiwasan sana ang naganap na trahedya kung nakipag-ugnayan ang mga organizer sa PCG para mabigyan ng kaukulang tulong sakaling may maganap na aksidente at maayos ang pagpapatakbo ng fluvial parade.

Samantala, inihinto na kahapon ang search and rescue operations ng mga awtoridad dahil sa paniniwalang patay na ang apat na nawawalang biktima kaugnay ng trahedya sa paglubog ng lantsa.

Sinabi ni SPO4 Benjamin Alterado, hepe ng pulisya sa bayan ng San Ricardo, nabigo ang search and rescue team ng pulisya, 5052nd Air Force Wing at Phil Coast Guard na matagpuan ang mga biktimang napaulat na nawawala sa loob ng 24-oras na pagnanahap.

"They are presumed dead already because they haven’t been found yet. According to the doctor, one can not survive anymore if he or she gets drowned for 15 to 30 minutes," dagdag pa ni Alterado.

Kabilang sa mga biktimang lulan ng lantsang M/B Sunjay sa fluvial parade at napaulat na nawawala ay nakilalang sina Benjie Vistal, 34; Rhea Patricia Vistal, 4; Jerose Galabo, 7; at Jenny Aboylo, 9.

Ayon pa kay Alterado na bagama’t ang boat operator na si Efren Sangunza ay maaaring panagutin ay lumilitaw naman sa imbestigasyon na kasalanan ng mga pasahero na nagkumpulan sa isang bahagi ng lantsa ang paglubog nito pagkaraang mawalan ng balanse.

Sasampahan lamang nila ng kaso si Sangunza kung magrereklamo ang pamilya ng mga biktima at maging ang may-ari ng lantsa na si San Ricardo Vice Mayor Fiel Culpa ay malulusutan ang kaukulang kaso na isasampa dahil may walong taon na siyang nagpapahiram ng motorized boat sa tuwing may fluvial parade sa kanilang bayan. (Danilo Garcia at Joy Cantos)

vuukle comment

AIR FORCE WING

ALTERADO

AYON

B SUNJAY

BENJAMIN ALTERADO

BENJIE VISTAL

DANILO GARCIA

EFREN SANGUNZA

JENNY ABOYLO

SAN RICARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with