^

Probinsiya

Obrero kinatay dahil sa selos

-
ANTIPOLO CITY – Patay ang isang construction worker makaraang pagtulungang pagsasaksakin ng tatlong kapitbahay kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Jose ng lungsod na ito.

Ang biktima na agarang namatay sa lugar ng insidente sanhi ng tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Remijas Espinosa na residente ng SKB Homes Phase 3 Tanza 2, ng nasabing barangay.

Tinutugis ng pulisya ang mga suspek na sina Buboy Tatad, Elvert Divelena, 45 at Saturnino Antones, 37.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima habang umiinom ito ng beer kasama ang isa pang kapitbahay at hinihintay ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Biglang dumating ang mga suspek na pawang armado ng patalim at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima.

Napag-alamang selos ang dahilan ng nasabing pamamaslang matapos na magalit ang isa sa mga suspek dahil sa madalas kausap ng biktima ang asawa nito. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BAGONG TAON

BIGLANG

BRGY

BUBOY TATAD

EDWIN BALASA

ELVERT DIVELENA

HOMES PHASE

REMIJAS ESPINOSA

SAN JOSE

SATURNINO ANTONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with