^

Probinsiya

Bilyaran grinanada: 15 malubha

-
CAMP CRAME – Naging madugo ang pagsalubong sa Bagong Taon nang malubhang nasugatan ang may 15 katao makaraang hagisan ng granada ng hindi pa nakilalang lalaki lulan ng isang motorsiklo ang isang bilyaran sa Pikit, Cotabato kamakalawa.

Sa report na nakarating kahapon sa tanggapan ni AFP Chief of Staff Gen. Generoso Senga, naganap ang karahasan sa loob ng isang billiard hall na matatagpuan sa national highway ng Poblacion, Pikit dakong alas-2:25 ng hapon habang masayang naglalaro ang karamihan sa mga biktima.

Kasalukuyan namang sinisilip ng mga awtoridad ang dalawang anggulo sa kasong ito, una ay kagagawan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang pagsabog at ikalawa ay posibleng clan war.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Norma Buscato, Irish Ian Buscato, Eddie Sahid-Sahid, Jeremihan Manon-og, John Carlos Manon-og, Gary Sahid-Sahid, Maria Sahid-Sahid, iba pa na tinukoy lamang sa mga pangalang Tabada Jr., Limpaga, Velos, Bangcot, Manoyak at Alconera; pawang residente ng Brgy. Fort gayundin si Jovy Lumangca ng Brgy. Batulawan; pawang sa bayan ng Pikit. Sila ay isinugod sa Dr. Cruzado Medical Center and Hospital maliban kina Norma Buscato at Irish Ian Buscato na dinala naman sa Cadulong Medical Clinic sa Poblacion ng bayan ng Pikit.

Batay sa imbestigasyon, masayang naglalaro at nanonood ang mga biktima sa bilyaran na pag-aari ng negosyanteng si Muler Buscato sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang mga suspek na lulan ng motorsiklo at walang sabi-sabing inihagis ang isang granada kasunod nang pagsambulat nito.

Hindi na nagawa pang makatakbo ang mga biktima nang sumabog ang granada habang mabilis na tumakas ang ‘di kilalang suspek patungo sa direksyon ng Brgy. Batulawan ng naturang munisipalidad.

Narekober sa pinangyarihan ng pagsabog ang mga shrapnel ng M67 at PAB-M72 grenades habang isinailalim na rin sa masusing imbestigasyon ang kasong ito. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

BAGONG TAON

BATULAWAN

BRGY

CADULONG MEDICAL CLINIC

CHIEF OF STAFF GEN

IRISH IAN BUSCATO

NORMA BUSCATO

PIKIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with